Nagplano kaming lahat na magkakabatch kung saan kami ngaung mahal na araw kung sa lawis or sa beach, at un nga sa lawis ang napagkasunduan. Na plano na lahat, kung ano ang mga dadalin, ulam, mga ingredients etc...
April 6, 7:00 AM, dumating na sa bahay sila Dennis Mangipay at Cesar Tovera para sunduin kmi at magpunta na sa sasakyan. Sabay sabay kami lahat nagpunta sa sasakyan ni ate Brenda Mat-an. Sinundo ko naman muna si "Sweetie" Brendaline Baniaga at sabay narin kami nagpunta sa sasakyan. Habang naghihintay ng isa pa naming batch na si Bernadette, bilihan muna kami ng kung anu-anong mga chichiria...pulutan etc... Kumuha na rin si Dennis ng order nyang PANIKI...
At last dumating na rin sila Bernadette with ryan, robertson and jaime. Pagdating nila agad narin kaming umalis at sinundo naman sila Jimmy at Pinky sa Section 7 kasi masama ang pakiramdam ni Pinky nun kaya nagpasundo na lang sila...Habang nakahinto naman ang sasakyan sa Section 7 ay meron sasakyang papalapit at nakita na lang namin na nasa likod si Dhang Baldo at kapatid nyang si Gringo, salamat naman at nakahabol ang isa naming batch...
Sa wakas ready na kaming lahat lakbayin ang Lawis.... JayR, Brendaline, Bernadette, Ryan, Robertson, Jaime, Ailleen Jimmy, Pinky, Cesar, Dennis, Dhang, at iba pa..
Masaya kaming lahat habang umuusad ang sasakyan patungong lawis..Past 8:30 ng nakaalis..at 9:30 to be exact nakarating kami sa Lawis na masaya at matiwasay....
Masaya kaming lahat sa ganda ng lawis...picture dito picture doon...inuman dito inuman doon, redhorse, generoso at walang kamatayang GIN...
Fast forward >> masaya na ang lahat ng kainan na...Inihaw na bangus, sinigang na bangus, sinigang na paniki...(di ko alam kung sinigang) at tinolang manok...c/o Cesar Tovera...(chef aming batch....) galing magluto neto...nung nasa Baguio nga rin ang batch siya rin ang nagluto...
Anyway, nabusog kami lahat at medyo nagpahinga ng konti para bumaba ang kinain bago kami lumusong sa tubig...para di malunod ha ha ha...
eto mga ilang pictures c/o Robertson Navarro...



yan ang iba sa marami pa naming masasayang pictures sa lawis....hayaan nyo ung iba post ko dito kapag binigay na sa akin....kinuha kasi ung digicam eh..hindi ko pa na na kokopya....wahhh
Pagkatapos ng mahigit na dalawang o tatlong oras na pagbababad sa tubig, un nagdesisyon na kami na prepare na at paalis na kami...hapon na rin kasi...at mahirap ng magabihan sa isang liblib na lugar...
Mga 4:00 ready na kami...ngunit ung ibang mga boys naiwan pa sa baba...hindi maiwan ang kahit isang patak ng kanilang iniinom...kahit na ang driver namin nakikipag inuman na rin...
Yun...sa tagal ng paghihintay namin sa taas ng ibang ka batch..nakita narin namin silang pataas...Masaya kaming lahat...nagtatawanan, merong nagpapatugtog ng Mp3, daldalan he he he...
Ready na ang lahat...
Nag start na ang sasakyan ngunit medyo mali ata ang start at medyo napa abante kami ng konte...medyo lang naman...parang sa isip isip ko mukhang nakainom masyado ang driver...pero ok lang sa amin medyo ok naman...
Masaya kaming lahat ng umaandar na ang sasakyan at meron pang mga lasing o nakainom ang nagkukuhan ng pictures.... Maingay...ha ha ha... kaya nilabas ko na lang ang headset ko at nagpatugtog ng Mp3 with my Sweetie...
Habang nagkakasiyahan ang lahat naming mga batch...mga bandang 4:20-4:23 ata ng meron ba namang nagsalita ng "Tawa kayo ng tawa baka huling halakhak nyo na yan" alam nyo ba kung sino ang nagsabi nyan? walang iba kundi si Dennis Mangipay... ng narining un ng Ms Sheng Robles...parang nagpanting ang tenga at nakapag bitaw ng salita na "Sino nagsabi nun at gigilitan ko ang leeg" sa mga oras na iyon...wala na ako naririnig... cguro mga 4:24 PM... kala namin isang isang malaking lubak lang ang aming nadaanan...ngunit....HETO NA!.... Bumigay ang lupa sa bandang likuran ng gulong at walang kaano ano ay bumagsak na ang aming sinasakyang elf at bumaliktad eto hanggang pumaibabaw ang gulong...ang aming saya ay nagmistulang nawalang parang bula at pumalit ang mga iyakan, merong mga nadaganan, halos lahat kami ay nagpatong patong na lang..... ng tumigil sa pagkakatumba ang sasakyan...meron na lang ako at kami narining na nagsasabing wag kaming gumalaw!...si Cesar Tovera ang nagsabi nun...dahil bago pa man bumaligtad ang sasakyan eh nakatalon na siya...kasi konting galaw pa raw namin ay sasadsad pa sa mas mababa ang sasakyan..sa aking pagkakaalam, medyo di ata nila napansin un...pati na rin ako...ang inaalala ko na lang ay ang kung ano ang gagawin...si Brendaline ay nakita ko na lang sa aking tabi na iyak ng iyak sa pagkakatumba...binuhat ko siya hanggang maitayo ko siya...at agad ko pinalabas...lahat na ata ay nasa labas na ngunit ako at ilang mga kasamahan at nasa loob pa dahil inaalis pa namin ang upuang malapit ng dumagan kay Ailleen, tinignan ko na lang si Ailleen kung bakit hindi gumagalaw sa pagkakatumba...nakita ko na lang na naipit pala ang kanyang buhok sa isang tubo kaya hindi ito makaalis...nang makita ko un...pilit kong inaalis ung buhok ngunit talagang ipit ito...humingi na ako ng tulong sa mga nasa loob pa at un ay si Ryan... pinahanap ko siya ng Kutsilyo para putulin na lang ang naipit na buhok...habang naghahanap pa ng kutsilyo ay naiiyak na si Ailleen at nababahala na rin dahil nakikita namin na dumadaloy na ung Diesel sa amin..at sa wakas dumating na ang kutsilyo at dali daling pinutol ang buhok sa pagkakaipit at dali daling lumabas...ako naman ay naghanap pa ng mga gamit na puwedeng ilabas...un...at nakalabas naman kaming lahat na matiwasay at konting bukol lang naman sa ulo..at mga konting galos sa katawan...habang nililikas naman ang mga tao sa mas ligtas na lugar, Si dennis naman ay busy sa pagsalin ng natatapong Diesel sa mga bote ng redhorse...una si ryan ang nagassists at sumunod naman ako kasama si Jimmy...hanggang sa maubos na ang laman...
Walang kamatayang kumustahan ang nangyari...iyakan parin hanggang sa taas...lahat ay naging kalmado na makalipas ang ilang mga minuto sa bangungot na nangyari sa amin...
Habang paparating na ang isang sasakyan na tinawag pa mismo ni Eric sa lawis, medyo maluwag na ang aking pakiramdam dahil sa wakas at makakauwi rin kami kahit papano. Ngunit bago pa man dumating ang sasakyan sa amin ay nabalitaan ko na lang ng nauna na palang naglakad si Robertson at Ailleen, cguro narin sa shock...Nakasakay na kaming lahat sa sasakyan at nagalok si Pinky na magdasal kami, tahimik kaming lahat at nag lead ng dasal si pinky para sa nangyari sa amin...sa panalangin na un...maiyak iyak pa ako nun...hindi ko lang pinapahalata..hawak ko ang kamay ni brendaline...
Malapit na kami sa Sawmill ng makita namin sila Ailleen at Robertson...at un...kasama na namin sila pabalik. Hindi parin matapos tapos ang usapan namin hanggang sa loob ng sasakyan, mga haka haka kung sakaling tumuloy eto sa pagkakahulog sa mas mataas na bangin ay tiyak na walang makakaligtas sa amin...Salamat salamat Panginoon..
Pagdating namin sa bahay nila Bernadette, hinatid ko na si Brendaline sa kanilang bahay...nandun parin ang takot sa amin..at pasasalamat...pagkahatid ko sa kanya ay nagpunta ako agad sa Simbahan at nagpasalamat at humingi ng tawad sa aming ginawa... Una pa sa akin..nagpunta na rin sa simbahan sina Ailleen at Robertson...
Nakita ko sa loob ng simbahan ang nakahimlay na katawan ni Jesus...nakita ko un at dahan dahan na akong napaiyak...at nagpasalamat ng labis sa pagliligtas niya sa amin...
Matapos neto...Si jimmy, cesar, dennis, jaime, ryan, robertson ay nagkukuwentuhan sa bahay at nagiinuman. Ako naman ay natulog dahil sa sakit ng katawan at sakit ng ulo, pero ginising parin ako nila Cesar dahil kelangan daw nila ng sasakyan para maiahon ung elf na aming sinakyan...di ko na ikukuwento kasi mahaba pa un eh...
Pasensiya na po sa mga mali, di ako marunong gumawa ng kuwento eh...pero sana sa makakabasa neto...kapulutan sana ninyo ng Aral ang nangyari sa amin...at laging manalig sa Panginoon...
Maraming salamat po...!
Goodluck to Batch 1996 and Batch 2000! Sama sama tayo sa hirap at ginhawa walang iwanan..yan ang tunay na magkakaibigan!!!!!
Robertson
Ailleen
Ryan
Dhang
Jimmy
Dennis
Jaime
Cesar
Bernadette
Brendaline
at ako siyempre...ang inyong lingkod JayR
eto nga po pala picture ng sasakyan....c/o Robertson Navarro

